Sunday, September 14, 2014

Baha



Baha

Wala ng bago kung bumaha man sa Pilipinas. Kaya naman dobleng ingat nalang kung bumaha man.
Kahit saang sulok ng mundo uso ang baha. Kaya naman wala tayong dapat i reklamo kung magbaha man. Ang dapat lang na ireklamo ay ang mga butas sa canal na syang pwedeng magdulot ng aksidente kapag hindi ito nakita. At higit sa lahat ang kalyeng nag bubutas-butas o nasisira tuwing binabaha o nauulanan.

Imprastraktura


Imprastraktura

 Kung ako ang tatanungin, hindi ako sang-ayon sa mga pasilidad na ipinapangalan sa kung sino-sino lang. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi dapat ipangalang ang isang establishment sa kung sino-sino lamang.

1. Hindi nila pera ang ginamit.
-Ang kapal ng pag mumukha ng mga pulitiko na ginagamit ang pangalan nila sa isang gusali na itinayo sa kanilang termino.

2. Ipangalan sa lugar kung saan ito itinayo.
-Dapat kung saan ito itinayong lugar, iyon din ang pangalan na gagamitin sa gusali. Halimbawa, Ang Ninoy Aquino International Airport ay nakatayo sa Manila, dapat lang na ibalik ang lumang  pangalan ng airport na MANILA INTERNATIONAL AIRPORT. Dahil ni isang sentimo ay walang ambag si Ninoy sa naturang gusali nung ito ay ipinatayo.

Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit hindi dapat ipinapangalan ang isang gusali sa kung sino-sino. Kung ang idadahilan naman nila ay nasa ermino nila ng ipinatayo ang isang gusali ang dapat na nakalagay ay CONSTRUCTED UNDER THE ADMINISTRATION OF "NAME" dapat kapag ganyan maliit lang ang naka sulat hindi yung ipinaglalandakan pa nila yung baho ng pangalan nila. At isa never forget to write the "MAMAMAYANG PILIPINO" dahil pera ng taong bayan yan.

At isa pa kung idadahilan nyo naman na dahil namatay si Ninoy sa loob ng airport kaya sa kanya ipinangalan ang airport sa Maynila ay isang napaka laking kasinungalingan dahil meron din iba na namatay sa loob ng Airport. Ang tanong bakit hindi nakalagay ang pangalan ng ibang namatay sa loob ng airport kasama ng pangalang Ninoy Aquino International Airport?


Saturday, September 13, 2014

Wheel Chair


Wheel Chair


Yan ang sagot kapag ikaw ay isang politician o kahit ordinaryong tao na may koneksyon sa gobyerno na nasangkot sa isang illegal na gawain. katulad nalang ng ilang nasasangkot sa corruption cases na gumagamit ng wheel chair upang makatakas lang sa batas. Ang iba naman ay kala mo kung sinong maarte na ayaw sa kulungan dahil kesyo may ipis, daga at iba pang dahilan. Kala mo namng gusto sila ng ipis at daga. Sukang suka na ang mamamayang Pilipino sa kaartehan at kabalastugan ng mga Nag lilider-lideran ng bansang ito. Kaya naman, dapat ipagbawal na ang paggamit ng wheel chair kung ikaw ay masasangkot sa isang kaso.

Sunday, August 31, 2014

Overpopulation


Overpopulation

Hindi na kailangan pang ipaliwanag kung ano ang dahilan nito. Wala na tayo sa lumang panahon na padamihan ng anak. Nasa panahon na tayo kung papaano babalansehin ang dami ng miyembro ng isang pamilya sa kanilang kinikita.

Ito ang kadalasang nangyayari sa Pilipinas. Kung sino pa yung mahirap, sila pa yung anakan ng anakan kaya naman nagiging problema din nila kung papaano sila kakain araw-araw at kung papaano sila mag kakasya sa maliit nilang tirahan.

Narito ang ilang dahilan ng pag taas ng populasyon.

1. pagkabuntis ng menor de edad- experimental stage. Dito karamihan ay nag eexplore na kabataan. Sila yung mga hindi masyadong nabibigyan ng patnubay ng kanilang magulang. Minsan naman sa sobrang higpit o sa sobrang luwag ng kanilang magulang kaya nila nagagawa ang mga ito. Minsan naman ay pagrerebelde sa kanilang magulang. 

2. kakulangan sa kaalamang pampamilya- walang alam tungkol sa sex o kung ano ang mangyayari kung sila ay makikipag sex. Kaya naman dapat ay isulong na ang sex education upang maibsan naman ang lumalalang pagdami ng tao sa Pilipinas kahit papaano.

3. hindi paggamit ng contraceptives- Mayroong mga mag asawa na gumagamit nito upang hindi lumaki ang kanilang pamilya. wala kang dapat ikahiya kung ikaw ay bibili ng mga contaceptives. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw ng simbahan ng mga ganitong bagay sapagkat ito daw ay labag sa bibliya. Ang akin kasi kahit maraming nag dodonate sa simbahan ay hindi mo naman maipapakain ang pera sa mga nagugutom lalo na kung wala ng mabilhan ng pagkain.

4. walang pinagkaka abalahan o walang magawa sa buhay- Usong-uso ito sa mga taong walang trabaho o yung walang magawa sa buhay. Sila yung mga taong ginagawang libangan ang sex. Sila rin yung walang kaalaman tungkol sa family planning.

5. nakikiuso- ito yung trip nung mag ku-kumare at magkakaibigan. kapag buntis si friendship o si mare ay gusto na rin nitong magbuntis o sa mga magkaka ibigan na pinaplano nilang sabay na magbuntis para daw unique.



Nasa ibaba ang ilang mga 

1. Family planning 
Ang family planning ay walang pinapanigan. Kahit sino ay pwedeng dumaan sa pag paplano ng pamilya mahirap ka man o mayaman. 

2. Contraceptives

Ito yung pinaka safe na paraan sa pag pigil ng population. Wala namang masama kung gagamit ka ng mga contraceptives. Ang masama eh yung pinapalaglag nila yung baby. Ayan yung ayaw ng simbahan. Kahit ako eh ayoko din ng ganyan kasi pumapatay ka na ng isang buhay.

Isa sa pinaka madalas na ginagamit na contraceptive ay ang 
                                                                            
                                                                              Condom.
 Isa ito sa pinaka mura at safe na gamitin. Nakakapigil din ito sa paghawa ng HIV/AIDS at ng ano pang sexually transmitted disease. Wala kang dapat ikahiya na bumili o gumamit nito dahil ang mas nakakahiya eh yung magkasakit ka.

Kung ikaw naman ay nahihiyang bumili nito ay dapat meron tayong ganito sa Pinas.
Dapat may ganito sa Pinas eh to prevent the transmission of HIV/AIDS and to prevent early pregnancies and should be available in every male's comfort room for free.





Saturday, August 30, 2014

Krimen


Krimen

Tumataas nanaman ang krimen sa Pilipinas dahil sa kakulangan sa batas at hindi pagpapatupad dito.
Isa sa mga dahilan ay ang kakulangan sa pagpapatupad nito. Masyadong malamya ang mga naka-upo o sadyang nabubulsahan lang ang mga ito kaya naman ang mga kriminal ay patuloy lang sa knilang gawain. 

Narito ang limang lugar sa Luzon na may pinakamataas na bilang ng krimen:
1. Monumento sa Caloocan City;
2. Baclaran sa Pasay City; 
3. University Belt area sa Maynila;
4. Kalentong at Shaw Boulevard sa Mandaluyong City 
5. EDSA cor. E. Rodriguez Avenue, Aurora Blvd., Cubao sa Quezon City.

Top 10 modus operandi sa Pilipinas
1. Sneaky Office Intruders
2. ATM scams
3. The zesto gang
4. Airport Ambush
5. Test drive test
6. Condo criminals
7. Backstage burglars
8. Salisi gang
9. Dugo-dugo gang
10. Budol-budol gang


Marami pang lugar sa Pilipinas ang delikado. Wala na nga atang safe sa Pinas eh, pano pati ang mga dapat na tagabantay ng mamamayan ay sila na ring gumagawa ng masama at nababayaran para sa kanilang pananahimik o para hindi nalang nila huliin ang masasamang loob. 

Hindi lang sampu ang mga modus operandi ng mga kriminal dahil napakarami pa nilang kayang gawin upang magkaroon lang ng pera. At ang dalawa sa pinaka unang dahilan sa lumalalang krimen ay ang KAWALAN NG TRABAHO AT KAGUTUMAN.

Kaya naman para bumaba muli ang bilang ng krimen sa Pilipinas ay dapat na nilang ibalik ang


At ang isa pang dapat na isabatas ay ang batas katulad sa China at America. 




Power Outage


Power Outage


Tuwing mag eelection nalang problema to eh, uso jan yung mga sinasabutahe nila tuwing may nag kakampanya. Isa din sa dahilan nila ngayon ay ang pag shutdown ng ilang power plants sa Pilipinas. Nakakapagtaka lang na kung bakit sabay sabay silang nag maintenance shutdown eh pwede naman na one at a time lang. Hindi namn sabay-sabay ginawa yan para bumigay din ng sabay-sabay.

Base kay DOE sec. Carlos Jerico L. Petilla, ang isa sa mga dahilan ng maintenance shutdown ng mga power plants ay ang kalumaan nito at iba pang sira na kanila pang iniimbestigahan. Ang nakakapagtaka lang dito ay alam naman na nila kung ano ang sira ngunit hindi pa rin nila ito ginagawa. Dahil kung ang kanilang idadahilan ay paiimbestigahan pa nila ito kung bakit nasira, ay napaka obvious naman na bulok na ang ibang planta.
Para sa karagdagan pang impormasyon sundan ang link na: http://www.philstar.com/headlines/2014/05/19/1324620/aging-power-plants-causing-emergency-shutdowns

Bakit hindi nalang nila ipaayos ang bataan nuclear power plant tutal namn ginagastusan nila ito ng halos Php 40M para lamang ma maintain ito. Ang nakaka lungkot dito ay pwede naman tayong magtayo sa ibang pulo sa Pilipinas ng Nuclear powerplant kagaya ng sa pinag aagawang teritoryo ng China at Pilipinas. Sila nga nagtayo ng imprastraktura ay wala ng nagawa ang Pilipinas. Siguro naman kung tayo din ang magtatayo ng ating pasilidad ay wala na din silang magagawa.

Ang nakakalungkot lang dito ay ang mga nag po-protesta na huwag mag tayo ng powerplant dahil sa kung ano mang kanilang dahilan ngunit sila din itong nangunguna sa pagrereklamo sa taas ng singil o sa kawalan ng supply ng kuryente.

Kung tatanggalan lang ng buwis ang kuryente ehdi sana walang illegal connections. At isa pa meron din ilang mga powerplants na hindi pa naitatayo o itinatayo palang. Sundan ang link para sa karagdagan pang impormasyon: http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_power_plants_in_the_Philippines

Kung ang Pilipinas lamang ang nag mamay-ari ng ilang powerplants sa Pilipinas ehdi sana'y mura lang ang ating kuryente ngayon di tulad ng sa Private companies na sobrang mahal kung maningil dahi may binabayaran pa silang tax. At ang isapang makakapag pababa ng kuryente ay ang REVOCATION OF MERLACO FRANCHISE 

Say Yes to BUILD MORE GOVERNMENT POWER PLANTS and NO to PRIVATELY-OWNED POWER PLANTS.

HINT: Kapag ang isang proyekto ng gobyerno ay na delay, ibig sabihin hindi pa nila naiaawas ang kanilang ibubulsa. Dumadaan pa sa matinding audit para lang matakpan ng ibang gastusin ang maibubulsa nila.


Monday, August 25, 2014

slow internet sa pinas

Source: http://technology.inquirer.net/35596/ph-has-slowest-internet-in-southeast-asia


Sa totoo lang, ang Pilipinas ang may pinaka kulelat pagdating sa larangan ng internet connection. Halos nasa 3.5 ang average speed sa residential at kahit sa commercial areas. Isang halimbawa dito kung bakit mabagal ang internet ay ang distribution nila sa mga residential areas. Makikita sa imahe sa ibaba kung papaano sila mag distribute ng internet connection sa residential areas.

Fair distribution:
Ang isang halimbawa dito ay ang imahe sa itaas. Sa pinaka simpleng paraan, kung ikaw ay nag subscribed sa plan na 10mbps, dapat ang makukuha mo ay 10mbps parin. Mayroon silang tinatawag na box kung saan kayo naka konekta kung saan nanggagaling ang inong internet connection, kung ang box na iyon ay may 50mbs, dapat ang naka konekta lamang dito ay ang 5 subscriber na may plan na 10mbps dahil ang 50mbps ay mahahati sa limang user. Kung ito ay lumagpas na sa nakatakdang subscriber mas babagal ang koneksyon dahil mahahati sa maraming subscriber ang 50mbps na kanilang supply sa isang box, makikita ang halimbawa sa ibaba.

Unfair distribution:
Sa unfair distribution ay ipinapakita na kung mas maraming naka konekta sa isang box ay mas mababang speed ang inyong makukuha. Lalo na kung sabay-sabay na gagamit ang lahat ng user na naka konekta sa isang box. pero kung hindi gumagamit ang 5 sumobrang user sa isang box ay makukuha mo ang iyong 10mbps subscribed plan. 

PLOT TWIST- kahit ikaw nalang ang gumagamit ng internet na naka-konekta sa may 50mbps na suply ng internet speed ay hindi mo ito makukuha dahil naka lock sa modem/router mo ang iyong 10mbps subscribed plan. Napaka unfair diba?

Halina't suportahan natin si Sen. Bam Aquino na pag tuligsa sa napaka bagal na internet speed sa pilipinas.
sundan ang link sa ibaba.

Sen. Bam Aquino on slow internet connection.  https://www.senate.gov.ph/press_release/2014/0422_aquino1.asp


sirang kalye

                                          Source: https://pulpolitika.wordpress.com/tag/sira-sirang-kalsada/


Bakit ba nagiging malubak ang kalye after umulan?


Syempre isa lang ang sagot jan. Corruption. Ang nakakapagtaka lang jan ay ginagawa nila yung gilid tapos yung lumang kalye sa gitna na may bitak na ay papatungan lang nila ng napaka kapal na aspalto. Mas matipid nga naman kung papatungan nalang ang lumang kalye dahil hindi naman mahahalata ito ng taong bayan dahil mapapatungan ito ng napaka kapal na aspalto kaya nag mumukha itong bagong gawa. MAUTAK! Kaya naman dapat ipagbawal muna ang pag gamit ng aspalto upang makita talaga kung bagong gawa ang kalye o hindi.



Corruption



Sundan ang mga susunod na post para sa mga resulta ng Corruption sa Pilipinas.