Saturday, August 30, 2014

Power Outage


Power Outage


Tuwing mag eelection nalang problema to eh, uso jan yung mga sinasabutahe nila tuwing may nag kakampanya. Isa din sa dahilan nila ngayon ay ang pag shutdown ng ilang power plants sa Pilipinas. Nakakapagtaka lang na kung bakit sabay sabay silang nag maintenance shutdown eh pwede naman na one at a time lang. Hindi namn sabay-sabay ginawa yan para bumigay din ng sabay-sabay.

Base kay DOE sec. Carlos Jerico L. Petilla, ang isa sa mga dahilan ng maintenance shutdown ng mga power plants ay ang kalumaan nito at iba pang sira na kanila pang iniimbestigahan. Ang nakakapagtaka lang dito ay alam naman na nila kung ano ang sira ngunit hindi pa rin nila ito ginagawa. Dahil kung ang kanilang idadahilan ay paiimbestigahan pa nila ito kung bakit nasira, ay napaka obvious naman na bulok na ang ibang planta.
Para sa karagdagan pang impormasyon sundan ang link na: http://www.philstar.com/headlines/2014/05/19/1324620/aging-power-plants-causing-emergency-shutdowns

Bakit hindi nalang nila ipaayos ang bataan nuclear power plant tutal namn ginagastusan nila ito ng halos Php 40M para lamang ma maintain ito. Ang nakaka lungkot dito ay pwede naman tayong magtayo sa ibang pulo sa Pilipinas ng Nuclear powerplant kagaya ng sa pinag aagawang teritoryo ng China at Pilipinas. Sila nga nagtayo ng imprastraktura ay wala ng nagawa ang Pilipinas. Siguro naman kung tayo din ang magtatayo ng ating pasilidad ay wala na din silang magagawa.

Ang nakakalungkot lang dito ay ang mga nag po-protesta na huwag mag tayo ng powerplant dahil sa kung ano mang kanilang dahilan ngunit sila din itong nangunguna sa pagrereklamo sa taas ng singil o sa kawalan ng supply ng kuryente.

Kung tatanggalan lang ng buwis ang kuryente ehdi sana walang illegal connections. At isa pa meron din ilang mga powerplants na hindi pa naitatayo o itinatayo palang. Sundan ang link para sa karagdagan pang impormasyon: http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_power_plants_in_the_Philippines

Kung ang Pilipinas lamang ang nag mamay-ari ng ilang powerplants sa Pilipinas ehdi sana'y mura lang ang ating kuryente ngayon di tulad ng sa Private companies na sobrang mahal kung maningil dahi may binabayaran pa silang tax. At ang isapang makakapag pababa ng kuryente ay ang REVOCATION OF MERLACO FRANCHISE 

Say Yes to BUILD MORE GOVERNMENT POWER PLANTS and NO to PRIVATELY-OWNED POWER PLANTS.

HINT: Kapag ang isang proyekto ng gobyerno ay na delay, ibig sabihin hindi pa nila naiaawas ang kanilang ibubulsa. Dumadaan pa sa matinding audit para lang matakpan ng ibang gastusin ang maibubulsa nila.


No comments:

Post a Comment