Sa totoo lang, ang Pilipinas ang may pinaka kulelat pagdating sa larangan ng internet connection. Halos nasa 3.5 ang average speed sa residential at kahit sa commercial areas. Isang halimbawa dito kung bakit mabagal ang internet ay ang distribution nila sa mga residential areas. Makikita sa imahe sa ibaba kung papaano sila mag distribute ng internet connection sa residential areas.
Fair distribution:
Ang isang halimbawa dito ay ang imahe sa itaas. Sa pinaka simpleng paraan, kung ikaw ay nag subscribed sa plan na 10mbps, dapat ang makukuha mo ay 10mbps parin. Mayroon silang tinatawag na box kung saan kayo naka konekta kung saan nanggagaling ang inong internet connection, kung ang box na iyon ay may 50mbs, dapat ang naka konekta lamang dito ay ang 5 subscriber na may plan na 10mbps dahil ang 50mbps ay mahahati sa limang user. Kung ito ay lumagpas na sa nakatakdang subscriber mas babagal ang koneksyon dahil mahahati sa maraming subscriber ang 50mbps na kanilang supply sa isang box, makikita ang halimbawa sa ibaba.
Unfair distribution:
Sa unfair distribution ay ipinapakita na kung mas maraming naka konekta sa isang box ay mas mababang speed ang inyong makukuha. Lalo na kung sabay-sabay na gagamit ang lahat ng user na naka konekta sa isang box. pero kung hindi gumagamit ang 5 sumobrang user sa isang box ay makukuha mo ang iyong 10mbps subscribed plan.
PLOT TWIST- kahit ikaw nalang ang gumagamit ng internet na naka-konekta sa may 50mbps na suply ng internet speed ay hindi mo ito makukuha dahil naka lock sa modem/router mo ang iyong 10mbps subscribed plan. Napaka unfair diba?
Halina't suportahan natin si Sen. Bam Aquino na pag tuligsa sa napaka bagal na internet speed sa pilipinas.
sundan ang link sa ibaba.
No comments:
Post a Comment