Sunday, September 14, 2014

Imprastraktura


Imprastraktura

 Kung ako ang tatanungin, hindi ako sang-ayon sa mga pasilidad na ipinapangalan sa kung sino-sino lang. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi dapat ipangalang ang isang establishment sa kung sino-sino lamang.

1. Hindi nila pera ang ginamit.
-Ang kapal ng pag mumukha ng mga pulitiko na ginagamit ang pangalan nila sa isang gusali na itinayo sa kanilang termino.

2. Ipangalan sa lugar kung saan ito itinayo.
-Dapat kung saan ito itinayong lugar, iyon din ang pangalan na gagamitin sa gusali. Halimbawa, Ang Ninoy Aquino International Airport ay nakatayo sa Manila, dapat lang na ibalik ang lumang  pangalan ng airport na MANILA INTERNATIONAL AIRPORT. Dahil ni isang sentimo ay walang ambag si Ninoy sa naturang gusali nung ito ay ipinatayo.

Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit hindi dapat ipinapangalan ang isang gusali sa kung sino-sino. Kung ang idadahilan naman nila ay nasa ermino nila ng ipinatayo ang isang gusali ang dapat na nakalagay ay CONSTRUCTED UNDER THE ADMINISTRATION OF "NAME" dapat kapag ganyan maliit lang ang naka sulat hindi yung ipinaglalandakan pa nila yung baho ng pangalan nila. At isa never forget to write the "MAMAMAYANG PILIPINO" dahil pera ng taong bayan yan.

At isa pa kung idadahilan nyo naman na dahil namatay si Ninoy sa loob ng airport kaya sa kanya ipinangalan ang airport sa Maynila ay isang napaka laking kasinungalingan dahil meron din iba na namatay sa loob ng Airport. Ang tanong bakit hindi nakalagay ang pangalan ng ibang namatay sa loob ng airport kasama ng pangalang Ninoy Aquino International Airport?


No comments:

Post a Comment