Overpopulation
Hindi na kailangan pang ipaliwanag kung ano ang dahilan nito. Wala na tayo sa lumang panahon na padamihan ng anak. Nasa panahon na tayo kung papaano babalansehin ang dami ng miyembro ng isang pamilya sa kanilang kinikita.
Ito ang kadalasang nangyayari sa Pilipinas. Kung sino pa yung mahirap, sila pa yung anakan ng anakan kaya naman nagiging problema din nila kung papaano sila kakain araw-araw at kung papaano sila mag kakasya sa maliit nilang tirahan.
Narito ang ilang dahilan ng pag taas ng populasyon.
1. pagkabuntis ng menor de edad- experimental stage. Dito karamihan ay nag eexplore na kabataan. Sila yung mga hindi masyadong nabibigyan ng patnubay ng kanilang magulang. Minsan naman sa sobrang higpit o sa sobrang luwag ng kanilang magulang kaya nila nagagawa ang mga ito. Minsan naman ay pagrerebelde sa kanilang magulang.
2. kakulangan sa kaalamang pampamilya- walang alam tungkol sa sex o kung ano ang mangyayari kung sila ay makikipag sex. Kaya naman dapat ay isulong na ang sex education upang maibsan naman ang lumalalang pagdami ng tao sa Pilipinas kahit papaano.
3. hindi paggamit ng contraceptives- Mayroong mga mag asawa na gumagamit nito upang hindi lumaki ang kanilang pamilya. wala kang dapat ikahiya kung ikaw ay bibili ng mga contaceptives. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw ng simbahan ng mga ganitong bagay sapagkat ito daw ay labag sa bibliya. Ang akin kasi kahit maraming nag dodonate sa simbahan ay hindi mo naman maipapakain ang pera sa mga nagugutom lalo na kung wala ng mabilhan ng pagkain.
4. walang pinagkaka abalahan o walang magawa sa buhay- Usong-uso ito sa mga taong walang trabaho o yung walang magawa sa buhay. Sila yung mga taong ginagawang libangan ang sex. Sila rin yung walang kaalaman tungkol sa family planning.
5. nakikiuso- ito yung trip nung mag ku-kumare at magkakaibigan. kapag buntis si friendship o si mare ay gusto na rin nitong magbuntis o sa mga magkaka ibigan na pinaplano nilang sabay na magbuntis para daw unique.
Nasa ibaba ang ilang mga
1. Family planning
Ang family planning ay walang pinapanigan. Kahit sino ay pwedeng dumaan sa pag paplano ng pamilya mahirap ka man o mayaman.
2. Contraceptives
Ito yung pinaka safe na paraan sa pag pigil ng population. Wala namang masama kung gagamit ka ng mga contraceptives. Ang masama eh yung pinapalaglag nila yung baby. Ayan yung ayaw ng simbahan. Kahit ako eh ayoko din ng ganyan kasi pumapatay ka na ng isang buhay.
Isa sa pinaka madalas na ginagamit na contraceptive ay ang
Condom.
Isa ito sa pinaka mura at safe na gamitin. Nakakapigil din ito sa paghawa ng HIV/AIDS at ng ano pang sexually transmitted disease. Wala kang dapat ikahiya na bumili o gumamit nito dahil ang mas nakakahiya eh yung magkasakit ka.Kung ikaw naman ay nahihiyang bumili nito ay dapat meron tayong ganito sa Pinas.
Dapat may ganito sa Pinas eh to prevent the transmission of HIV/AIDS and to prevent early pregnancies and should be available in every male's comfort room for free.