Sunday, September 14, 2014

Baha



Baha

Wala ng bago kung bumaha man sa Pilipinas. Kaya naman dobleng ingat nalang kung bumaha man.
Kahit saang sulok ng mundo uso ang baha. Kaya naman wala tayong dapat i reklamo kung magbaha man. Ang dapat lang na ireklamo ay ang mga butas sa canal na syang pwedeng magdulot ng aksidente kapag hindi ito nakita. At higit sa lahat ang kalyeng nag bubutas-butas o nasisira tuwing binabaha o nauulanan.

Imprastraktura


Imprastraktura

 Kung ako ang tatanungin, hindi ako sang-ayon sa mga pasilidad na ipinapangalan sa kung sino-sino lang. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi dapat ipangalang ang isang establishment sa kung sino-sino lamang.

1. Hindi nila pera ang ginamit.
-Ang kapal ng pag mumukha ng mga pulitiko na ginagamit ang pangalan nila sa isang gusali na itinayo sa kanilang termino.

2. Ipangalan sa lugar kung saan ito itinayo.
-Dapat kung saan ito itinayong lugar, iyon din ang pangalan na gagamitin sa gusali. Halimbawa, Ang Ninoy Aquino International Airport ay nakatayo sa Manila, dapat lang na ibalik ang lumang  pangalan ng airport na MANILA INTERNATIONAL AIRPORT. Dahil ni isang sentimo ay walang ambag si Ninoy sa naturang gusali nung ito ay ipinatayo.

Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit hindi dapat ipinapangalan ang isang gusali sa kung sino-sino. Kung ang idadahilan naman nila ay nasa ermino nila ng ipinatayo ang isang gusali ang dapat na nakalagay ay CONSTRUCTED UNDER THE ADMINISTRATION OF "NAME" dapat kapag ganyan maliit lang ang naka sulat hindi yung ipinaglalandakan pa nila yung baho ng pangalan nila. At isa never forget to write the "MAMAMAYANG PILIPINO" dahil pera ng taong bayan yan.

At isa pa kung idadahilan nyo naman na dahil namatay si Ninoy sa loob ng airport kaya sa kanya ipinangalan ang airport sa Maynila ay isang napaka laking kasinungalingan dahil meron din iba na namatay sa loob ng Airport. Ang tanong bakit hindi nakalagay ang pangalan ng ibang namatay sa loob ng airport kasama ng pangalang Ninoy Aquino International Airport?


Saturday, September 13, 2014

Wheel Chair


Wheel Chair


Yan ang sagot kapag ikaw ay isang politician o kahit ordinaryong tao na may koneksyon sa gobyerno na nasangkot sa isang illegal na gawain. katulad nalang ng ilang nasasangkot sa corruption cases na gumagamit ng wheel chair upang makatakas lang sa batas. Ang iba naman ay kala mo kung sinong maarte na ayaw sa kulungan dahil kesyo may ipis, daga at iba pang dahilan. Kala mo namng gusto sila ng ipis at daga. Sukang suka na ang mamamayang Pilipino sa kaartehan at kabalastugan ng mga Nag lilider-lideran ng bansang ito. Kaya naman, dapat ipagbawal na ang paggamit ng wheel chair kung ikaw ay masasangkot sa isang kaso.